“Tuwing sasapit ang pasko..”

Kung ika’y tunay na Pilipino, malamang narinig mo na ‘tong kantang ‘to. Tuwing sasapit ang pasko, syempre, uso ang pagcaca-rolling. At ito na yata ang pinakagasgas na kanta na alam ko tuwing Christmas. Posibleng ito narin ang pinaka-popular sa mga carollers maliban sa “Ang Pasko ay Sumapit”.


“Namimili ang mommy ko..
Nang mga pang-regalo..
Handa sa araw ng Pasko.
At itong aking daddy..
Gumagawa ng Christmas tree..
Sasabitan ko naman..
ng mga laruan at mga candy..”

Mataas na bilihin. Mababang sahod. Siksikang pamilihan. Sandamakmak na snatcher. Kahit na maraming obstacles ang daraanan e hindi parin mawawala ang traditional na pagbibigay ng regalo. Kahit na pirated copy ng isang branded something, kahit papaano matutuwa parin tayong makatanggap nito. Sa maliit na paraan e naramdaman nating espesyal tayo, kahit na mumurahin lang ang natanggap mo. Pero ang iba’y hindi na kasing garbo mag-celebrate ng pasko. Tipid kung tipid. Dati rati’y pabonggahan ng Christmas lights, November pa lang meron na, pero ngayon, malimit ka na lang makakita nito. Ang iba’y nagkakabit ng decors isang araw bago mag-Pasko. At least ramdam nila ang Pasko kahit 1 day lang. Iba nama’y halos hindi na naglalagay. Natuluyan na.


“Sa iba’t ibang kulay..
Nitong ilaw ng Christmas tree..
Ito’y lalong nagniningning..
Pagsapit ng gabi..”

Ako, nagsasawa narin sa paulit-ulit na pakikinig dito. Biruin mo, sa isang araw halos sampung beses mahigit kong naririnig ‘to. Wala namang ibang version, pare-parehas lang at nasa isang tono lang. Sa tutuusin, mas nasasarapan pakong makinig pag may nagsasabi ng “patawad” kesa sa mga nanganga-rolling.


“Thank you! Thank you! Ang babarat ninyo thank you!”

This entry was originally posted Friday, Dec 23rd, 2005 at 9:22 pm and filed under noypi.

20 Responses to “Merry Christmas Po.”  

  1. Joyce

    di ko yata alam ung kanta na un ah… ahaha… buti pa ako, wala ako masyadong naririnig na carollers…lagi nakakulong kasi sa loob ng haus. pero totoo yang sinabi mo bro… lahat malungkot ngayong xmas…dahil sa lecheng mataas na bilihing iyan…hrrrrr….. pero anjan naman ang divi…so solb na rin..

    ows, enjoy ka mag distribute ng survey? ehehe…pede kaw na lang groupmate ko? ahahahaha… jk. thanks sa pagsagot!!
    (biglang sayaw at kanta ng we wish u a meri xmas kay ian bilang pasasalamat) ehehehe…

    thankyuuuu po!!

  2. Hazel

    Parang ‘di ko yata alam yang xmas song na yan ah. Anong title?? Ay nako, sinabi mo pa. Minsan nakakarindi na eh. Siguro sa pangungulit nila kaya sila nagkakapera. :D hahah :P

    Uy, one more to go… merry xmas na :D

  3. Josephine

    Hmm those lyrics sound really familiar, yet I can’t put my finger on what song it is… :(

  4. Jeric

    Don’t know the song too.. ung mga nanganga-rolling sa amin ganito ang linya “Namamasko po!!! (pasigaw)” tapos sabay hampas sa gate mo :? demanding ang mga bata ngayon na nanganga-rolling

  5. Tammy

    Nong Christmas song yun? Ako din, do ko alam. Sa akin, di ko alintangan kung ura o mahal ang regalo, ang gusto nyung galing mismo sa puso at yung hindi sobrang mamahalin na pang-impress.

    Malapit na pasko! ilang oras nalang. Merry Christmas

  6. Sheryl

    hahaha! lam mo di ako makapagblog ngaun, may problema ata host ko eh..kainis. anyway, nagonline lang ako to greet you all ng MERRY CHRISTMAS …
    oo nga paulit-ulit nalang nila kinakanta, paulit-ulit din silang bumabalik para mamasko. NAMIHASA! :oops:

  7. _Ralp_

    Yoh kuya ian wahahaha,, may gift ako sayo,, punta ka sa site ko at click mo name mo,, tapos comment ka pagnakuha mo na para alam ko! ok?! merry xmas! kaso medio pink ung kulay eh,,hehehe,,ok lang yan!!!

  8. *KYM*

    Hmmm…bakit di ko alam yang kantang yan? hahaha. yung mga carollers pabalik balik lang sila! haha. pero nakakaaliw din…ayoko lang yung carollers na matatanda ne :P

    anyway, happy holidays!

  9. Grace

    hi ian, hay nako, ako din kaya..lang ya, pauli ulit nalang naririnig atska yung “Pasko ay sumapit” ngarr, kung hindi pa nila iibahin song nila hindi namin sila bibigyan ng barya, ubos na nga mga barya namin dito eh, hehe..para sa bagong taon pa yun, agawan ng barya, diba? 8)

    teka? bakit parang hindi nila alam ang song nayun?, haha, kakatuwa naman sila, anyways..mery christmas nalang

    Grace

  10. France

    so u want my friends’s names who are currently in TUP mla?
    mmmm.. my best buds Paul Viloria and nerie orcullo are both taking computer sci. as far as i know they are in 3rd yr now…

  11. carla

    alam ko yung ‘Ang Pasko ay Sumapit’ pro di ko alam yung mga kantang yan. :? haha, minsan puro ‘patawad’ nalang ako kse di nman sineseryoso ng mga bata ung mga kanta. prang wala lang kse eh.

    kakainis

    anyways, merry xmas po xeio! :mrgreen:

  12. Xhinthian

    Dude kakaasar ung mga ganyang kiddos lalop na ngaung generation ngaun masiadong aggresive ung mga kids as in todo bgay kumanta este sumigaw kaya minsan d na namin nilalabas ung mga nangangarolling hayaan namin sila magsawa pero ung iba bnibgyan ko pag alam kong deserving naman ayt??? :mrgreen:

  13. xy

    harhar. very well said. tama sabi mo. APIR! :mrgreen:

  14. ava

    di ko rin alam ung kanta na `yan. pero anyway, tama ung mga sinabi mo. kaya nga di ko nararamdaman ung Christmas Spirit na yan. :evil: tska, pag nagcarolling naman ung mga bata, para lang magkapera. di naman nila iniintindi ang kahalagahan ng Pasko. haha. [bow]

  15. donna

    tamang tama ang laman ng post mo! magandang mabasa yan ng mga taong malungkot ngayong pasko. mabut yan para naman mabuhayan sila ng loob. :lol: anyways.. ur post was very inspirational! :D

  16. Sarah

    naalala ko nga pag christmas jan.. talagang yung mga nangangaroling.!! .. hahah.. minsan meron mga professional.. yung mga matanda na, sabay aabutan ka ng envelope na parang sapilitang kaylangan mo talaga mag bigay dahil sa kinantahan ka. hahahah!!

    yung sa xmas lights din.. pabonggahan.. pero nung nanjana ko, narealize ko ren na paonti ng paonti ang naglalagay ng ganun. kahit kami, ndi na yung super aga mag lagay.. mga december 2nd week kami nag start mag lagay,.. pero yung iba diba, november palang meron na.

    pero masaya naman sa mga city.. kasi madaming ilaw. ganun paren ba hanggang ngayon? nakakamiss! kasi dito ndi ganun. satin kasi catholics halos, so no prob to celebrate christmas.. eh dito halo halo .. so ndi ganun ka prominent yung feeling. pero sa malls, puro sale oo. heheh

    MERRY CHRISTMAS IAN!
    HUGS!!!

  17. masaya

    hindi ko masyado alam yung kantang yan hehehe. i think it’s a good thing that i’m staying at a dorm kaya wala akong naririnig na carollers hehehehe…

  18. gee

    haha. tama ka. kami lang nga ata sa street namen may super christmas decors. :evil: at nakakainis yang mga nangangaroling na yan. mali pa lirix.. sumisigaw pa. haha. syit! oh well.. ano inuman? haha :P meri xmas!

  19. saruhh

    haha :D funny post. loved it. at oo, mas masaya ang mapakinggan ung word na “patawad”. langya. wala kaming xmas lights. natuluyan na kame :b

  20. dotacje unijne

    Hows your xmass last year? Hope everything is ok!